I
Matang dilat sa puyat
Lumabnaw na yata ang utak
Ilang ulit ginamit tsaang mistula ng anemik
Inabutan sa pagsabog muli ng liwanag
Doon sa upuang nagtitiyaga
Uminit na ang puwit
Na kasing-init ng bombilyang
magdamag na nakatunganga
Upang pagbigyan...
kanyang pagkahumaling, ba o ?
pagmamahal sa panulat?
Ah! pag-ibig ito sa sining na hinabi
Sa hibla ng puting papel at bolpeng itim
II
Rebelasyong uulit-ulitin
Insomyak na mata di pupunahin
Sa sining na kakaulayawin
Ang kamay ng orasan at tipa ng minuto
Sa manunulat walang pagbabago
COPYRIGHT RESERVED TO THE AUTHOR. PERMISSION REQUIRED TO REPRODUCE.
Post a Comment