(sinaryo)
Ang biyak na pisngi ng buwang nakamasid sa kapanglawan
Sa ispermang luhaang nagbabantay sa parihabang kongkreto
Ay pilit na pinatatahan nang hanging tapik ay malumanay.
(konsepto)
Tahol at alulong ng asong askal
Pusang-itim na kumaripas sa harapan
Badyang pangamba dahil sa 'mamang' me karit
Sa balintataw at imahinasyon hanggang ngayon di pa maipinid.
(tradisyon)
'Kaluluwang' magdamag na nakikipag-ulayaw at naguguluhan
Sa guyod ng 'buhay' na tao sa kampo-santo'y nakipagsabayan
Nagkagulo-gulo ang siyesta ni tandang Beatong punanaw
"Hoy, mga hijo..." ang sigaw niyang inihip ng amihan
Doon sa kabataang nakahambalang sa ibabaw ng nitso at naglalasingan
"...ako'y pagpahingahin niyo ng tahimik, dahil 'di ko nais inyong mga ligalig!"
COPYRIGHT RESERVED TO THE AUTHOR. PERMISSION REQUIRED TO REPRODUCE.
Post a Comment