Kababata sa kamusmusan
i
Bumalik sa aking alaala, kabataang nakalagak sa saya; Sa mga punong inakyatan, sa bundok na nilakaran;
Mga lupang basa sa ulan, doon kami'y nagtakbuhan, pati naghabulan;
Sa aming baril-barilan, pananghali-ay nalimutan;
Pagkatapos nang hapunan, kami pa rin ang nagtutubigan.
ii
O kay ligaya lagi na, sa mga kaibigang laging kasama;
Mundo na aming ginalawan, noong kami ay bata pa;
Salat sa ilang bagay, ngunit busog sa pagkakaibigan;
Walang masama, walang-wala sa mga kaibigang kahanga-hanga.
iii
Lumakad si kalendaryo, humakbang mga taon ng todo-todo;
Binagtas ko at nang aking mga kaibigan, palad na ibinigay nang Maykapal;
May bumuo ng pamilya, may umakit ng asawa, meron din namang nag-isa;
Tagumpay at pagkadismaya, naiukit din sa aming talam-paa.
iv
Diyes sentimos at walang halaga, anuman ang natahak ng bawat isa;
Hindi ito ang tumakal at sumukat, sa aking pamantaya'y lahat sapat;
Walang nabago, walang naiba, kundi ang aming mga kara;
Sa aming muling pagkikita-kita, tiyak ko na ang pagkasaya-saya;
'Pagkat yaong panahon ng kamusmusan, amin na namang pag-uusapan.
COPYRIGHT RESERVED TO THE AUTHOR. PERMISSION REQUIRED TO REPRODUCE.
Post a Comment