Oo nga pala...
binuksan na naman muli, pahina sa maraming taon kong ipinalagi
yung nagdaang mga taon ng tagumpay at pagkadismaya
bibitbitin ko ba? o ititiklop ko na lang at di na bubuksan pa?
ngunit paano nga ba...?
mahirap mabatid ang hinaharap, kung ang kahapon di ko man lang malingap
pagkatuto ko di matutunton, kapag mata di ko man lang inilingon
tiyak may aral na kapupulutan at sinag pa ring masusulyapan
sa ibayo nang nakaraan, di ko man kailangan ng tingnan
ganito siguro...
ipagpapasalamat ko na lang kaya, mga biyayang sa taas ay tinamasa
yung pagkadismaya at kabiguang natamo
ihahagis ko na lang at ipapatianod sa agos
ganun din ang bitbit na himutok
iiwan ko na lang at lalagyan ng tuldok.
COPYRIGHT RESERVED TO THE AUTHOR. PERMISSION REQUIRED TO REPRODUCE.
Post a Comment