Ipinagpag sa taas at marahang dumuyan sa ihip
Sa tuktok kong hayag ay iyong maingat na dampi
Payapa, tahimik...ngunit kapos ka sa buhay
Darang sa lamig kong balintataw, nais kang kalaguyuin,
Ngunit kapagdangan nanatili ka pa ring walang buhay...
Nakakasawa ka!
Ang mala-bangkay mong haplos, gusto kong maparam
Ngunit ano pa ang kakayanan ko?
Sumagad ka na sa aking kalamnan at buto
Ang tamis mo sa paningin na ikaw ay damahin
Ngunit sa ilalim ng balat ko ay itinatatwa kita
Pikit-mata, taun-taon ako sa iyo ay naaakit
Kaya hiniling ko sa dalangin
Sana sa susunod mong pagdalaw
Ako'y hindi na maakit sa banal mong kulay.
COPYRIGHT RESERVED TO THE AUTHOR. PERMISSION REQUIRED TO REPRODUCE.
Post a Comment