An Asian-Canadian's traveling saga & literary tidbit
Life's contentment is not about sitting around in one's familiar place, but rather it is realized from far-flung places away from it. Traveling is my ultimate life's saga.

TAGALOG ENTRY - Buhay ay langit sa piling mo...

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo...

Mahal ko ang bayan natin. Ito ang unang pundasyon ng aking panulat ngayon na gusto kong linawin sa umpisa. Kung merong umaasa na maiiba ang takbo ng buhay sa Pilipinas patungo sa kaayusan, isa ako sa mga taong iyon. Kung merong banyaga o kahit kababayan natin na mamaliitin ang kakayahan natin bilang isang bansa, ako ang isa sa unang aalma.

Bakit? Sapagkat ito ang pinagmulan ko. Buhay ng ating mga ninuno ang kapalit nang kalayaang atin ngayong tinatamasa (hindi ko ito maunawaang ganap noon).

Ano ba ang kalayaan at bakit dapat nating itong mahalin at ipagpasalamat? Bakit sa tingin ko na ang susi sa ikagigising ng mga nasa puwesto ay ang tunay na pagkalinang sa kahulugan ng kalayaan?

Dahil ito ang humugis sa atin bilang bansa. Ito ang nagbuklod sa atin. Ito ang kaibahan natin kumpara sa ibang parte ng mundo, wala tayong mapaniil ng idelohiya, kundi kalayaan ang meron tayo ngayon.

(Huwag sana na) subukan nating tayo ang nasa kalagayan ng mga Hudyo noong 1930's, Tutsi sa Rwanda at mga Muslim sa Bosnia noong 1990's, Cambodian noong 1970's, yung mga Intsik sa Nanking noong 1937. Malagim ng resulta ng iba-ibang paniniil na iyon sa kanilang mga tao (racial, religious, ethnic, at political).

Tayo bilang Pilipino, nalasap din natin ang ating parte dahil sa mga sumakop sa atin. Ngunit iyon nga ang nakalulungkot, hindi natin ito pinahahalagahan base sa mga gawi ng nasa posisyon ngayon; masyado na ang kagarapalan at pagyurak sa kalayaan na dapat sana ay suklian ng tapat na paglilingkod sa tao at hindi sa sarili!

Hanggang hindi ito tumitimo sa katinuan ng mga nasa posisyon, wala pa ring mababago.

Ang paghahangad nila ng puwesto sa gubyerno, isang prebilihiyong makapaglingkod ay huwad na dahilan (puwedeng hindi lahat, pero karamihan), bagkus ay kapangyarihan at salapi ang pakay.

Ang isang lider na me kapangyarihan, kailangan may pamumunuan at tagasunod, pero kaakibat nito and hangarin ng lider na kabutihan at kakuntentuhan para sa kanyang pinamumunuan. Ngunit ngayon, kung hindi maliit na prioridad ang pinagkakaloob sa mga tao, ay tunay na hangaring pansarili lamang ang pakay ng nasa posisyon.

Kaya ako nakakasimpatiya sa mga tulad kong karaniwang Pilipino, bagamat tila naging manhid na sila kung ano ang kalakaran sa Pilipinas ngayon.

Sa isang mapangutyang pangyayari: anya ni Tandang Etoy, gusto niyang laging me bagyo sa Pilipinas, dahil doon lamang siya nakakatikim ng corned beef - dahil sa relief foods. Malungkot na katotohanan.

Halimbawa, kung wala o maliit na subsidiya sa pagtatanim dahil walang sapat na pondo ang pamahalaan, magtitiyaga lang ang magsasaka sa sariling-sikap na humiram ng salapi sa kapitalistang institusyon; kung nabalitaang nangungurakot ang opisyal, ipinagkikibit-balikat na lang dahil iyon na ang naging normal (o kung meron mang aksiyon, halos palabas na lamang, dahil pare-parehong nagtatakipan), isa pa, mahirap ibangga ang ulo sa pader.

Napakabuti at mapagtiis ang pangkaraniwang Pilipino upang gamitin at samantalahin ang kanilang kalagayan para sa kagustuhang manatili sa kapangyarihan at magkamal ng yaman na galing sa kaban ng bayan ang ibang nasa posisyon.

Madaling makuntento at masayahin - kung sa ingles, resilient and having a profound sense of happiness ang Pilipino - basta me pagakain sa maghapon at kasama ang pamilya, masaya na. Hindi ito panlilibak, pero ito talaga ang hinahangaan ko sa aking mga kababayan.

Ang problema lang nawala na ang sense of bearing ng karamihan sa atin at nalimutan na ang karapatang magtanong kung ano ang kahulugan ng "buhay ay langit sa piling mo" bilang Pilipino. Filipinos deserve so much better than what they are into right now!

"Land, with its glorious sun, of peace and love" (Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta), hindi ito isang panaginip; kung magmumula lang sa mga nasa posisyon at sila ang magiging halimbawa, abot-kamay na ito.

Kung ating aalalahanin, yung mga Romanov ng Rusya, kaya napatid ang linya ng paghahari nila at nagkaroon ng madugong rebolusyon ng mga Bolshevik, dahil na rin sa matagal na pagtitiis ng mga peasants nito, at ang hindi pagre-relinquish ng kapangyarihan sa panahon ng panganganib ng buhay niya at ng kanyang Royal family (ang Tsar naman ay may moral na kadahilanan kaya hindi siya nag-abdicate ng trono niya. Isa ng malayong paksain para sa panulat nito).

Hindi na natin kailangan ng rebolusyon, bagkus kailangan lang, tunay na pagbabago sa mga nasa puwesto at kapangyarihan. Alisin na ang pagkakapit-tuko kung alam nilang hindi na sila nakakapagsilbi ng maayos sa ating kababayan, at apuhapin sana nila ang mahihirap at pangkaraniwan nating kababayan. Karapatan naman nilang guminhawa rin ang buhay, hindi lang sila.

COPYRIGHT RESERVED TO THE AUTHOR. PERMISSION REQUIRED TO DUPLICATE.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Concepteurs web

About Me

My photo
Although the author has no professional writing credential nor an all-embracing traveling experience, it is the inspiration drawn out from lives surrounding him as well as sharing his works with readers that make him enthused about writing; his occasional travel - often spontaneous, inspires him to pen such adventure. He currently lives in western Canada with his wife. ***COPYRIGHT TO ENTRIES RESERVED EXCEPT OTHERWISE INDICATED***
Powered by Blogger.

Bansa ng mga bumisita sa blog

free counters

Followers